Plano ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na magpatawag ng
committee meeting upang talakayin ang ilang puna at obserbasyon patungkol sa
paggamit ng vape partikular na sa mga kabataan.
Sa naging session napag-usapan ang ilang obserbasyon na tila
dumarami ang gumagamit ng naturang produkto at kadalasan pa sa mga ito ay menor
de edad.
Maliban pa dito, napapansin din anila ng mga ito na kahit sa
loob ng mga establisyimento ay pinapayagan ang paggamit ng e-cigarette na kung
maikukumpara sa tobacco ay hindi nagtatagal ang amoy lalo pa at may mga flavor
ito.
Dahil dito, nais din ng konseho na ipatawag ang mga bar and
resto owners upang maging parte na maregulate ang paggamit ng vape sa loob ng
kanilang mga establishments gayundin sa mga pampublikong lugar. |TERESA IGUID
0 Comments