SEN BONG GO, KINILALA ANG SAKRIPISYO NG MGA HEALTH WORKERS SA KANIYANG INSPEKSYON SA SUPER HEALTH CENTER SA IBAJAY



Kinilala ni Senator Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Health ang serbisyo at sakripisyo ng mga health workers kabilang na ang mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars na aniya’y mga bayani ng pandemya.

Ito ay kasabay ng isinagawa nitong ininspeksyon sa ipinapatayong Super Health Center sa bayan ng Ibajay, na layon aniyang mailapit ang primary healthcare services sa mga taga-Ibajay at hindi na kailangan pang bumyahe ng malayo.
Sa kaniyang mensahe, ipinunto ni Go na ang tourist destination na probinsya ng Aklan ay kailangang magkaroon ng sapat na bilang ng health center upang hindi na kailangan pang gumugol ng oras papunta sa Provincial Hospital kung mayroon naman na mga kaparehong proyekto na kayang magbigay ng atensyong medikal sa mga pasyente.
Dahil dito,ipinasiguro ni Go na magkakaroon pa ng panibagong phase ang Health Center sa naturang bayan sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan kasabay ng pagtiyak nito na handa itong tumulong pagdating sa usapang kalusugan.
Samantala, maliban sa bayan ng Ibajay magkakaroon rin ng Super Health Center sa Kalibo, Balete, Banga, Batan, Malay, Nabas, New Washington, Numancia at sa Isla ng Boracay. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog