MANOK NA MARINATED, NINAKAW NG KAPITBAHAY

 

Himas-rehas ang 21-anyos na lalaki matapos nitong ninakaw ang isang container ng marinated chicken sa Brgy. Tisa, Cebu City.

Kinilala ang suspek na Brylle Bacalso, residente ng Purok Sambag, Brgy. Tisa.

Sa pahayag ng biktimang si Journel Cardeño, nakita nitong itinakbo ng suspek ang isang container laman ang marinated chicken bandang alas-3 ng hapon kung kaya’t agad itong humingi ng tulong sa barangay.

Hindi na narekober pa ang manok dahil naipagbili na ito ng kawatan bago masakote.

Inamin naman ng suspek ang ginawa dahil sa pangangailangan ng pera ngunit hindi nito sinabi kung saan gagamitin ang pera.

Sa ngayon ay sasampahan ng reklamong theft ang naturang suspek.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog