DA VINCI SYSTEM: MAKATI MED, NAKUMPLETO ANG KAUNA-UNAHANG ROBOT-ASSISTED LIVER SURGERY SA PILIPINAS



Inanunsyo ng Makati Medical Center (MakatiMed) ang pagkumpleto ng kauna-unahang robot-assisted liver surgeries sa loob ng isang araw.

Ayon sa naturang ospital, matagumpay na naisagawa ng kanilang medical team ang pinakaunang Xi Robot Hepatectomy o ang surgical resection (pagtanggal ng lahat o ng bahagi) ng atay.

Noong Abril 16, unang inilunsad ang da Vinci Xi Surgical System sa MakatiMed na mas advance kesa sa ordinaryong surgical operations. Kung saan pinapayagan ang mga surgeons na gumawa ng mas maliit na incisions, na nagdudulot ng mas mababang banta mula sa impeksyon at mas mabilis na paggaling.

Makakaramdam din ng mas kakaunting sakit at discomfort ang mga pasyente na nagreresulta ng mas maikling pananatili sa ospital at agarang paggaling.

Samantala, sa tulong ng naturang surgical technology, may option na ang mga pasyenteng makatanggap ng nasabing precision surgical care sa MakatiMed para sa mas ligtas at agarang paggaling.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog