Inireklamo at nahaharap sa kasong Physical Injury ang
isang lalaki nang bigla itong magsaboy ng asido sa kasagsagan ng selebrasyon ng
Wattah Wattah Festival sa San Juan City nitong Lunes, sa mismong araw ng
Kapistahan ni San Juan De Bautista.
Kasunod ito ng kumalat na video sa social media ng
pagbabasaan at pagbuhos ng tubig ng mga residente sa mga inosenteng motorista na
dumaraan sa lugar.
Ayon kay San Juan City Chief of Police, P/Col. Francis
Reglos, dumaan ang naturang lalaki sa bahagi ng Aurora Boulevard nang buhusan
siya ng tubig sa kasagsagan ng basaan na nanggaling pa umano sa kanal.
Ikinagalit naman ito ng lalaki dahilan na isinaboy nito
ang isang muriatic acid sa taong nambuhos sa kaniya.
Tinamaan naman sa mata ang biktima kung kaya’t agad itong
nagpasaklolo sa mga pulisya.
Maliban dito, may ilan pang mga indibidwal ang inaresto matapos
manggulo sa naturang aktibidad.
Samantala, mga kasong direct assault, physical injuries,
light threats, coersion, unjust vexation at slander ang isasampa laban sa mga
nadakip.
0 Comments