Bahagyang bumagsak ang bubong sa gusali ng terminal sa
New Delhi international airport dahil sa matinding buhos ng ulan.
Sa ulat, nakapagtala ito ng isang patay at walong
sugatan.
Makikita sa mga larawan ang pagkayupi ng ilang mga
sasakyan nang ito’y mabagsakan ng malalaking steel girders sa departure forecourt
sa Terminal 1 ng nasabing paliparan.
Napag-alamang ang nasabing gusali ay ilan sa mga proyektong
pormal na inilunsad ng Modi noong buwan ng Marso bago ang general election ng
bansa.
Sinasabing ginagamit para sa domestic flights lamang ang
nabanggit na terminal at at sinabi ng mga awtoridad sa paliparan na ang lahat
ng mga flight na umaalis mula dito ay maagang kinansela.
Kaugnay nito, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng
emergency personnel ng airport para sa kakailanganing tulong at medical aid ng
mga apektadong biktima.
Samantala, tuloy naman ang operasyon ng iba pang terminals
sa kabila ng nangyari.
0 Comments