Pormal nang papayagan ang pag-post ng mga adult at graphic content sa platform na “X” (dating Twitter).
Ito’y matapos ianunsyo ni Elon Musk, CEO ng Tesla Motors
ang ilang pagbabago sa rules ng X kung saan ang "sexual expression, visual
or written, can be a legitimate form of artistic expression”.
Sa katunayan, matagal nang napapansin sa Twitter ang mga
post ng adult content – hindi katulad ng Facebook o Instagram – ay hindi ito
kailanman pinagbawalan bago pa ito pamunuan ni Musk noong 2022.
Sa ilalim ng bagong patakaran, ang pag-post ng mga adult
content ay pormal na nasa loob ng mga panuntunan hangga't ito ay may label at
hindi masyadong ipinapakita, tulad ng mga larawan sa profile o mga banner ng
account.
Awtomatiko namang mamarkahan bilang “sensitive content”
ang mga accounts na regular sa pag-post ng adult content.
Samantala, layunin ni Musk na mas palawakin pa ang kita ng X at mai-transform ito sa pagiging “super app” kahalintulad sa WeChat ng China na mayroong messaging, voice at video calling, social media, mobile payments at online booking services.
0 Comments