KALIBO, TAMPOK SA PELIKULANG “HIBLA”


 

Magiging tampok sa pelikulang “Hibla” ang ilang mga lugar at ipinagmamalaking atraksyon sa Kalibo at probinsya ng Aklan.
Ito’y matapos ipinakilala na nitong Miyerkules sa isang Story Conference ang mga bidang karakter at tauhan sa naturang pelikula.
Kung saan, pagbibidahan ito nina Ella Cruz at Julian Trono pati na ang espesyal na partisipasyon ni Kalibo Mayor Juris Sucro.
Bibida din sa pelikula ang ipinagmamalaking Haboean Piña ng Aklan gayundin ang iba pang mga tourist destination sa bayan ng Kalibo.
Samantala, nagsimula na ngayong araw ang pag-shoot ng mga clips para sa pelikula na magtatagal hanggang sa Hunyo 13, 2024.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog