6 PATAY, 1 NASA KRITIKAL NA KONDISYON SA INSIDENTE NG PAGKASUNOG BANGKA SA CEBU

 


Patay ang anim katao matapos masunog ang isang fishing boat sa katubigang sakop ng Naga City sa Cebu nitong Miyerkules.

Ayon sa Philippine Coast Guard, isang indibidwal ang nasa kritikal ang kondisyon nang magtamo ito ng third degree burns habang lima pang kasamahan nito ang na-rescue at nasa maayos na ang kalagayan.

Bandang 8:25 ng gabi, natanggap ng PCG ang report ukol sa insidente kung saan ang bangkang FBCA King Bryan, sakay ang 12 crew ay nasunog sa layong 1.5 nautical miles east mula sa pinakamalapit na baybayin ng Naga City.

Mabilis namang rumesponde sa lugar ang PCG at narekober ang dalawang patay na katawan na sakay ng naturang bangka.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog