PUPIL NAGTINDA NG GULAY, NA-LATE SA PAGTANGGAP NG MEDAL


 

Kinaantigan ng mga netizens ang isang elementary pupil na prayoridad ang pagtulong sa magulang kaysa sa ibang bagay.

Nahuli lang naman kasi ito nang dating sa closing exercise ng paaralan sa Valencia City, Bukidnon dahil tinulungan pa ng bata ang kaniyang ina sa pagtitinda ng mga gulay.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni teacher Delia Buaya na tapos na ang kanilang programa nang dumating sina Vivilyn Sagmao at ina nito sa Lilingayon Central School.

Sinabi ng guro na naglako pa ang mag-ina bago dumalo sa ceremony.

Sa katunayan, bitbit pa nila ang palanggana na naglalaman ng kanilang paninda.

Nakapambahay din ang bata dahil walang pambili ng maisusuot.

Bagama’t huli na dumating ay sinabitan pa rin ang bata ng medalya dahil sa kabilang ito sa mga “with honors” awardee ng kanilang klase.

Samantala, nagpasalamat naman ang mag-ina sa tulong na kanilang natanggap mula sa mga netizens dahil sa post ni teacher Delia sa Facebook.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog