Aabot sa kalahati ng Filipino adults sa buong Pilipinas ang sumusuporta sa legalisasyon ng divorce para sa ‘irreconcilably separated couples’.
Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Survey matapos tanungin ang mga respondents kung ang mga mag-asawang naghiwalay na at hindi na magkasundo ay dapat payagang magdiborsyo upang sila ay muling makapag-asawang legal.
Nabatid na 50% ang sang-ayon dito, 31% naman ang tutol habang 17% pa ang undecided sa test statement.
Tinukoy sa pag-aaral ang suporta para sa legalisasyon ng divorce ay napakataas para sa Metro Manila, at moderately strong levels sa Balance Luzon, at Visayas at Mindanao bilang neutral habang patuloy na bumaba ang Mindanao mula sa record-high very strong agreement noong Marso 2023 patungo sa moderately strong noong Hunyo 2023.
Ang survey ay isinagawa mahigit isang buwan bago aprubahan
ng Kamara ang Absolute Divorce bill sa ikatlo at huling pagbasa noong Mayo 22,
2024. |TERESA IGUID
0 Comments