PRIME MINISTER NG THAILAND, SUMUPORTA SA PRIDE PARADE


 


Napuno ng kulay bahagharing mga bandila ang kalye ng Bangkok, Thailand nitong Sabado sa unang araw ng selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo.

Nilahukan ito ng LGBTQ+ revellers at activists upang ipakita ang suporta sa Pride Month lalo na’t malapit nang kilalanin sa naturang bansa ang same-sex marriage.

Nakatakdang isasagawa ang huling pagbasa sa pagsasabatas ng same-sex marriage bill sa Hunyo 18.

Kung sakaling ito’y maaprubahan, ipapasa ito sa palasyo ng King's royal assent bago ito maging opisyal na batas sa loob ng 120 araw.

Samantala, magiging ikatlong bansa sa Asya ang Thailand sa pagpapatupad at pagiging legal ng same-sex marriage, kung saan ito’y napakahalagang hakbang para sa marriage equality.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog