“PROFESSIONAL AT RESTRAINED”, DEPENSA NG CHINA SA NANGYARI SA AYUNGIN SHOAL



Dumepensa ang China sa nangyaring insidente sa pagitan ng China Coast Guard at ng Philippine Navy kung saan isa sa mga Pinoy ang nagtamo ng sugat.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian, ang nangyari sa Ayungin Shoal nitong Lunes ay dahil sa pagbabalewala umano ng Pilipinas sa dissuasion ng China at sinadyang pagpasok sa katubigan ng Ren’ai Jiao na sakop ng Nansha Qundao ng China.

Aniya pa, ang ginawa ng CCG ay maituturing na ‘professional at restrained’ at naglalayong mapigilan ang ilegal na resupply mission.

Sinabi rin ng opisyal na hindi sila nagsagawa ng “direct measures against the Philippine personnel.”

Kamakailan, iniulat ang pagbanggaan ng vessels ng Pilipinas at China malapit sa shoal kung saan matatagpuan ang nakasadsad an BRP Sierra Madre.

Nagsagawa din ng isang mapanganib na pagmaniobra ang CCG kabailang na ang ‘ramming and towing’ habang nagsasagawa ng routine rotation and resupply mission ang Philippine Navy.

Dahil dito, nananawagan ang foreign ambassadors sa China na itigil na ang mga agresibong aksyon mula sa pinagtatalunang teritoryo.

Subalit, nanindigan naman ang China na dinepensahan nito ang karapatan at interes sa resource-rich waters na inaangkin nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog