“CHINA’S BULLYING AND DANGEROUS ACTS MUST STOP” – SEN. GRACE POE



Kinondena ni Senator Grace Poe ang ginawang harassment at pambu-bully ng China Coast Guard sa mga Pinoy nitong Lunes.

Ito’y matapos na masugatan ang isang sundalong Pinoy na naputulan ng hinlalaki sa gitna ng komosyon ng CCG at ng Philippine Navy.

Bukod pa rito ay nagawa pang butasin at sirain ng CCG ang bangka at mga kagamitan ng Philippine Navy nang sumampa ang mga ito at inpeksyunin ang resupply vessel ng mga Pinoy na magtutungo sa BRP Sierra Madre nitong Lunes.

Ayon kay Poe, kailangan na ng agarang aksyon ukol sa naturang insidente at huwag nang hintayin na may magbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa mula sa agresibong pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.

Ani pa ni Poe na dapat na umanong hingin ng Pilipinas ang tulong ng mga kaalyadong bansa nito para matigil na ang ginagawang pambubully ng China.

Samantala, patuloy naman ang pagbabantay sa ngayon ng China sa Ayungin Shoal kung saan nakaparada ang BRP Sierra Madre.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog