Mahigit sa 10 katao ang naiulat na namatay sa India matapos na umakyat sa 45-46°C ang init ng temperatura kung saan sa mga nakaraang linggo ay umabot na sa 50°C ang heat index sa ilang lugar sa nasabing bansa.
Nabatid na ilan sa mga naitalang nasawi ay mula sa government hospital sa Odisha’s Rourkela habang tatlo sa election officers at isang pulis sa Bhojpur district ang namatay nang dahil sa heat stroke.
Kasabay niyo ang pagkawala ng kuryente at gayundin ang kakulangan nito sa tubig at may pagkakataon din na dahil sa matinding pagtaas ng temperatura pinag-uugatan ito ng sunog at ginagamitan na lamang ng awtoridad ng ‘drone’ upang bantayan at masubaybayan ang mga sunog sa kagubatan sa Jammu at Kashmir.
Sa kabila naman ng pagkakaroon ng mga medical center o facilities ay hindi pa rin ito naaagapan at nawawalan ang mga ito ng malay at kalauna’y ikinasasawi ng kanilang mga buhay.
Samantala, itinuturing naman ng India’s National Centre for Disease Control ang heat stroke bilang isa sa “life-threatening” na may mortality rate na 40 to 64%.
0 Comments