PINOY SA SAUDI ARABIA, PATAY SA HEATSTROKE SA HAJJ PILGRIMAGE

 



Mahigit 900 katao ang namatay sa heatstroke sa kasagsagan ng Hajj pilgrimage sa Makkah sa Saudi Arabia.

Kabilang sa mga namatay ang isang Pinay na nakabase sa Riyadh, Saudi Arabia, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ipinahayag pa ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nailibing na nitong Miyerkules ang nasabing Pinay.

Kaugnay nito, nasa humigit-kumulang 5,100 Filipino pilgrims ang nakatakda ngayong taon kung kaya’t nagpadala na ang DFA ng grupo sa Saudi Arabi para gabayan ang Philippine Embassy na ma-monitor ang nasabing Hajj pilgrims.  

Ang taunang Hajj pilgrimage ay ikinukunsiderang isa sa pinakamalaking religious gatherings sa buong mundo. Ito ay isa sa limang haligi ng Islam na nag-uutos sa mga Muslim na i-perform ito isang beses sa kanilang buhay.

Sinabi naman ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na nasa 5,060 Filipino Muslims ang lumipad patungong Saudi Arabia para sa Hajj pilgrimage.

Samantala, nagtagal ng 5 araw ang Hajj, kung saan ang mga peregrino ay naglalakad paikot sa Kaaba, isang sagradong gusali na nasa gitna ng Mecca’s Grand Mosque, na nagsimula noong Hunyo 14.  

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog