THAI INTERN, MUNTIK NANG MABASTOS; LALAKI, NASIPA



Ginamitan ng Muay Thai skills ng isang babaeng taga-Thailand ang lalaki nang sinubukan itong bastusin sa isang ospital.

Sa isang ulat, nangyari ang insidente sa isang ospital sa probinsya ng Nonthaburi malapit sa Bangkok, Thailand kung saan intern ang biktima habang nursing assistant naman ang suspek.

Sa isang cctv footage, makikita ang paglapit ng lalaki at bigla nitong hinila ang estudyante sa likod ngunit mabilis na pumihit ang biktima tsaka hinampas ito sa tuhod ng ilang beses hanggang sa ito’y makatakas.

Nagawa pang sipain ng biktima ang suspek dahilan na agad itong nakawala.

Sinabi naman ng biktima sa isang panayam na natakot ito nang lapitan ng lalaki ngunit agad itong nanlaban kung saan idiniin nito ang kaniyang kuko sa braso ng suspek tsaka kinagat hanggang sa ito’y makawala.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa mga nurses at kalauna’y napagdesisyunan nang tapusin ang kaniyang internship sa naturang ospital.

Dahil dito, sumailalim sa pagdidisiplina ng ospital ang lalaki at tsaka ito pinaalis dahil sa paulit-ulit na pangha-harass sa mga intern.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog