Kinumpirma ni Iloilo Provincial Agriculture Office head
Ildefonso Toledo na kasalukuyang nasa Silay City, Negros Occidental ang Bureau
of Soils and Water Management.
Aniya, inoobserbahan pa ng Bureau of Soils and Water Management
ang kondisyon ng panahon lalo na’t nangyari ang pagputok ng Mt. Kanlaon nitong
Lunes.
Dagdag pa nito, inaasahan sa susunod na linggo na
masisimulan na nila ang cloud seeding.
Ang operasyon ng cloud seeding ay nakabase sa Bacolod
City kung saan magsisilbing operation center ang Bacolod-Silay International
Airport.
Binigyang-diin pa ni Toledo na hindi pa huli ngayong
buwan ang cloud seeding dahil sa hindi pa sapat ang tubig-ulan para mapunan ang
kinakailangan sa irigasyon lalo na’t nag-uumpisa nang magtanim ang mga
magsasaka.
0 Comments