INSIDENTE NG HAZING NA KINASASANGKUTAN NG MGA PULIS, INIIMBESTIGAHAN

 


Isinailalim na sa imbestigasyon ng Philippine National Police ang insidente ng hazing ng mga police officers sa probinsya ng Isabela.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, tinututukan na ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang naturang insidente.

Sinasabing biktima umano dito si Pat. Jeremy Matthew Padilla, 26-anyos at kamakailan ay na-assigned sa Regional Mobile Force Batallion sa Brgy. Macalauat sa bayan ng Angadanan.

Habang, hindi naman pinangalanan ang tatlo pang mga pulis na umano’y sangkot sa pananakit sa biktima noong Mayo 24 ng gabi.

Batay sa report ng pulisya, sinasabing sinuntok ng mga suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan at hinampas ng paddle na kahoy. Tinabunan pa umanon ng basang tela ang mukha ng biktima.

Lumalabas naman sa medical report ng biktima na nagtamo ito ng ilang mga physical injuries secondary to mauling kabilang na ang hematoma sa kanang itaas na bahagi ng kaniyang tyan, hematomas sa anterior at posterior aspects ng kaniyang kanang hita, hematoma sa kaliwang braso at abrasions sa mga tuhod.

Sa ngayon ay nasa maayos na ang kalagayan ng biktima at inabisuhang magpahinga ng tatlong araw.

Sa kabila nito, ipinahayag ni Fajardo na mariing itinanggi ng mga kaklase ng biktima ang insidente at sinabing tinakbuhan umano nito ang kanilang immediate action drill na parte ng kanilang training sa pagtugis ng mga suspek sa mabundok na lugar.

Samantala, nakatakdang haharap sa mga kasong physical injury at paglabag sa Anti-Hazing Law ang tatlong police officers kapag napatunayang guilty sa naturang paratang.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog