PAUL KLEIN NG LANY, SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE



Ipinagpaliban muna ng Pop-rock band LANY ang kanilang paparating na Australia at New Zealand tour matapos masangkot sa isang vehicular accident si Paul Klein.
"On Thursday night of last week, I got hit by a car while I was on my Vespa heading home from the gym," saad nito sa post ni Paul.
Sa kabila nito, siniguro naman ni Paul sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang agarang pagpapagaling at sinisikap na ng team nito na ma-reschedule ang naturang tour.
Nakatakda sanang tutugtog sa Brisbane, Perth, Adelaide, Sydney, Melbourne, at Auckland ang bandang LANY sa darating na June 19 hanggang 30, 2024.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog