CHARLIE, 18 MONTHS DAW NA BUNTIS KAYA AGAD NA PINAKASALAN NI CARLO?


Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na post ng aktor na si Carlo Aquino tungkol sa dahilan kung bakit nito agarang pinakasalan ang karelasyon at ngayon ay asawang si Charlie Dizon.

Sa post, nakasaad dito na 18 months na daw buntis si Charlie kaya bigla itong pinakasalan ni Carlo.
Marami namang netizens ang umalma sa kumakalat na “fake news” lalo na sa katagang 18 months na pagdadalantao dahil hanggang 9 na buwan lamang ang pagbubuntis ng isang babae.
Sa kabila nito, binigyang-linaw naman ng naturang page sa kanilang hashtags na “satire news” lamang daw ito.
“A news you cannot trust. Satire page lamang po ito,” mababasa sa profile ng nabanggit na page.
Dagdag pa rito, naglabas pa ng isang post ang nasabing page kung saan laman ang pagsagot ni Charlie sa naturang isyu.


“Hindi po totoo ang kumakalat na balita na buntis ako. Sabi pa doon 18 months buntis daw. Tao po ako hindi terix.” saad sa post na kunwari’y sagot ni Charlie.
Matatandaang, ikinasal ang dalawa nitong Linggo, Hunyo.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog