Inabot na ng halos hatinggabi ang pag-rescue sa sugatang
miyembro ng Philippine Navy matapos ang marahas na pagharang at pagbabanta ng
China Coast Guard (CCG) sa mga tropang magdadala ng suplay sa BRP Sierra Madre
sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.
Sa ulat, nasugatan sa insidente ang 5 sundalo kung saan
isa sa kanila ay naputulan ng hinlalaki na kinilala kay Seaman First Class Jeffrey
Facundo.
Sa kabila ng walang-humpay na pagsunod ng CCG ay tuloy pa
rin ang pag-rescue na inabot pa ng hatinggabi nang makabalik ang rigid hull inflatable
boat (RHIB) ng PCG mula Ayungin Shoal sa BRP Cabra upang mabigyan ng paunang-lunas
ang mga sugatang sundalo.
Dahil dito, mariing kinondena ng AFP ang marahas na
insidente at iginiit nito na dapat ibalik ng China ang mga inagaw na mga armas
at kagamitan ng Philippine Navy gayundin na bayaran ang danyos dulot
ng insidente.
0 Comments