Inilunsad nitong Sabado ang isang satellite ng China at
France upang magsaliksik sa pinakamalakas na pagsabog sa daigdig.
Tinawag itong Space Variable Objects Monitor (SVOM) na
dinivelop ng mga engineers sa parehong bansa upang tuklasin ang gamma-ray burst,
isang liwanag na naglakbay ng ilang bilyong light years upang maabot ang
planetang Earth.
Lumarga ang 930-kilogram satellite karga ang apat na mga instrumento
– 2 French, 2 Chinese – bandang alas-3:00 ng hapon sakay
ng Chinese Long March 2-C rocket mula sa isang space base sa Xichang, sa
timog-kanlurang lalawigan ng Sichuan.
Ang gamma ray bursts ay karaniwang nangyayari matapos ang
pagsabog ng mga malalaking bituin - yaong higit sa 20 beses na mas malaki kaysa
sa araw - o ang pagsasanib ng mga compact na bituin.
0 Comments