AHAS, NILUNOK ANG BABAE NG BUO SA INDONESIA

 



Natagpuang patay sa loob ng tiyan ng isang ahas ang isang babae matapos itong malunok ng buo sa Indonesia.

Mismong ang asawang 45-anyos at residente ng Kalempang village sa probinsya ng South Sulawesi ang nakadiskubre sa biktima na nasa loob ng reticulated python na may haba ng nasa 5-meters o 16 na talampakan.

Ayon kay Suardi Rosi, namumuno sa village, iniulat na nawawala ang naturang babae na nanay ng apat na anak nitong Huwebes at bigong makauwi.

Aniya, naunang nakita ng asawa ng biktima ang mga gamit kung kaya’t nagduda ito dahilan na agad itong pinaghahanap ng mga villagers. Kinalaunan, namataan nila ang isang ahas na may malaking tyan dahilan na napagdesisyunang buksan ito.

Dito na tumambad sa kanila ang ulo ng biktima at natagpuang may kasuotan pa sa loob ng tyan ng ahas.

Ang nasabing insidente ay ikinukunsiderang napakapambihira ngunit may iilan nang indibidwal ang namatay sa Indonesia dahil sa pag-atake ng isang python.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog