Hindi tinanggap ng Ombudsman ang inihaing motion for reconsideration ni Bamban Mayor Alice Guo at ng dalawa pang kasama nito kaugnay sa kanillang preventive suspension.
Ito’y matapos masangkot si Guo sa umano’y ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa naturang bayan.
Nangatwiran pa ang kampo ni Guo na masyadong mahina ang ebidensyang ipinukol sa alkalde kung kaya’t kinakailangan nang alisin ang suspensyon.
Samantala, inabisuhan naman si Guo ng pagpapatalsik sa kaniya sa partido sa pamamagitan ng isang abiso na ipinadala sa party secretary-general na si Mark Llandro Mendoza.
0 Comments