KOREAN AIRLINES FLIGHT, BUMAGSAK SA 26,900 FT SA LOOB NG 15 MINUTES; 13 PASAHERO, ISINUGOD SA OSPITAL


 


Agad na isinugod sa ospital ang 13 pasahero na sakay ng Korean Airlines Flight KE189 nang bigla itong bumagsak sa 26,900 ft sa loob ng 15-minuto.

Sa isang ulat, lumipad mula sa Incheon International Airport ang naturang eroplano sakay ang 125 na mga pasahero.

Wala pang isang oras nang pag-alis ay nagpahayag na ng babala ang eroplano tungkol sa isang pagkakamali sa sistema ng pressure ng Boeing 737 Max 8 aircraft.

Kung saan, ang aircraft pressurization system ay siyang kumukontrol sa pressure level sa loob ng aircraft.

Dahil sa naturang error ay bumalik sa Incheon International Airport ang nasabing eroplano, tatlong oras mula nang ito’y mag-take off.

Ligtas naman nakarating sa Taichung, Taiwan ang Korean Airlines Flight nang ito’y mag-divert dahil sa isang error.

Ayon sa Ministry of Land, Infrastructure and Transportation, nakaranas ng hyperventilation o pagsakit sa kanilang mga tainga ang 15 pasahero habang 13 ang dinala sa ospital nang makapag-landing ang eroplano.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa sanhi ng diversion ng naturang eroplano at nakatakda din itong isailalim sa maintenance matapos ang inspeksyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog