KANDIDATA SA PAMPANGA AT NOBYONG ISRAELI, HINDI PA RIN NAHAHANAP



Parehong pinaghahanap ang magkasintahang Mutya ng Pilipinas Pampanga 2023 candidate Geneva Lopez at Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen matapos maiulat na nawawala nitong Hunyo 21.

Sa isang ulat, nagpaalam umano ang magkasintahan sa kanilang mga kaanak na pupunta sa Capas, Tarlac upang kitain ang naka-transaksyon ukol sa isang property.

Magmula nang umalis ang dalawa ay hindi na ito makontak ng mga kaanak kung kaya’t labis-labis ang kanilang pag-aalala.

Kamakailan, isang sunog na sasakyan ang natagpuan ng isa sa mga kaanak ni Lopez kung saan hinihinalang ito ang sinakyan ng dalawa patungong Capas.

Natagpuan naman sa loob ng naturang nasunog na sasakyan ang ilang mga dokumentong nakapangalan kay Lopez.

Kaya naman, pinag-aaralan na ng pulisya ang lahat ng CCTV footage upang matukoy kung sino ang sumunog ng natagpuang sasakyan.

Magugunita noong 2023, isang beauty queen din ang nawawala at patuloy pa ding hinahanap hanggang ngayon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog