OPERASYON NG LRT-1, PANSAMANTALANG NAGSUSPINDE



Pansamantalang itinigil muna ang operasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) matapos ang insidente ng babaeng tumalon sa riles ng tren nitong Martes, Hunyo 25.

Sa video, makikita ang nakaupong babae sa may riles habang paparating ang tren sa Doroteo Jose Station.

Maswerte namang hindi napuruhan ang babae nang mabilis na nakontrol ng operator ang takbo ng naturang tren kundi nagtamo lamang ito ng minor injury dahil sa pagkakabunggo.

Mabilis namang rumesponde ang LRMC team sa insidente at agad na dinala sa pinakamalapit na ospital ang babae.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa naturang insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog