MAG-ASAWA, PATAY MATAPOS MALUNOD SA “DEATH POOL”



Wala nang buhay nang matagpuan ng mga mangingisda ang mag-asawa sa Agno, Pangasinan nitong Sabado.

Kinilala ang mga biktima na sina Gonzalo Jr. at Emelita Maglalang na pawang mga residente ng Antipolo City, Rizal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang naglalakad sa rock formation sa tabi ng sinasabing “death pool” ng Cabongaoan Beach si Emelita ay bigla itong nadulas at tsaka tinangay ng malakas na alon.

Agad naman siyang sinundan ng asawa upang iligtas ngunit pati ito’y nadala din ng alon.

Ang “death pool” sa bayan ng Burgos ay dinarayo ng mga turista ngunit nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan na ang tunay na tawag dito ay “depth pool” at katunog lamang nito ang “death pool”.

Tinawag itong “Depth Pool” dahil sa lalim nitong 20 talampakan na tagos sa dagat.

Kaya naman kapag malakas ang agos sa dagat lalo na kapag umaga, nagkakaroon ng pagbulwag ng tubig sa mismong loob ng depth pool.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog