Nasunog ang isang lithium battery factory sa South Korea
nitong Lunes matapos na sumabog ang ilang mga baterya sa naturang pagawaan.
Sa video, makikita pang sinubukan pa itong isalba nang
makitang umuusok ang tumpok ng mga baterya.
Ginamitan pa ito ng fire extinguisher ngunit mas lalo
pang lumala at sunod-sunod na sumabog ang mga baterya.
Kumalat ang apoy hanggang sa masunog ang planta.
Marami namang mga manggagawa ang na-trapped sa loob ng
planta dahilan na nakapagtala ang mga awtoridad ng 23 patay at 8 sugatan.
Napag-alamang nasa mahigit 100 mga manggagawa ang nasa
pabrika nang mangyari ang insidente.
Ayon kay Kim Jin-Young, bumbero sa South Korea, karamihan
sa mga narekober na katawan ay lubhang nasunog kung kaya’t isang hamon para sa
kanila ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Pahirapan din ang paghupa ng mga bumbero sa naturang
sunog dahil sa matinding init lalo na’t hindi madaling maapula ng anumang
hakbang ang pagsabog ng lithium batteries.
Ang lithium battery plant ay pagmamay-ari ng South Korean
manufacturer na Aricell laman ang tinatayang 35,000 battery cells na nasa ikalawang
palapag habang may ilang ding nakatago sa ilan pang lugar ng planta.
Samantala, minarkahan naman ito bilang pinakamalalang factory
disasters ng South Korea mula ng mangyari ang sunog sa warehouse na nagresulta
sa 38 na patay noong 2020.
0 Comments