DOH, NAG PAALALA SA PUBLIKO SA MGA SAKIT NA MAAARING MAKUHA NGAYONG TAG-ULAN


 

Nagpaalala ang Department of Health sa publiko hinggil sa mga sakit na maaaring makuha ngayong pormal nang idineklara ang tag-ulan sa Pilipinas.
Sa isang pahayag sinabi ni Department of Health Asisstant Secretary Albert Domingo, na ilan sa mga ito ay ang dengue, leptospirosis, waterborne diseases at influenza-like illness.
Dagdag pa nito na nakapipinsala rin ang influenza-like illness at posible itong kumalat sa pamamagitan ng mga airborne particles o pakikisalamuha ng mga tao, lalo na sa mga madalas na pagtitipon-tipon.
Dahil dito, hinikayat ng Department of Health ang mga Pilipino na mag doble ingat pagdating sa kinakain at iniinom at siguraduhing hindi ito kontaminado.
Ugalin din aniyang maghugas ng kamay, iwasan ang paglusong sa baha, magsuot ng facemask nang tama, gayundin ang paglilinis at pagsisiguro na walang anumang gamit na maaaring mapuno ng tubig at pamugaran ng lamok.
Samantala, ipinasiguro din ng ahensya na patuloy ang pag antabay at paghahanda nito ngunit pinayuhan pa rin nila ang publiko na huwag maging kampante ang mga ito upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog