BORACAY, KABILANG SA MGA BEST ISLANDS SA TRAVEL+LEISURE LUXURY AWARDS ASIA PACIFIC 2024

 



Muling nakuha ng Boracay ang spotlight nang tanghaling panalo sa Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2024.

Kasama ding nagwagi ang Palawan kung saan parehong kabilang sa listahan ng mga nanalo sa ilalim ng Best Islands category.

Nakuha ng Palawan ang pangatlong pwesto habang nasa pang-apat naman ang isla ng Boracay.

Habang, nasungkit naman ng Koh Samui sa Thailand ang unang pwesto na sinundan ng Bali sa Indonesia.

Sa ngayong taong Travel + Leisure Luxury Awards, isinama ang mga kategorya ng bawat bansa gayundin para sa buong rehiyon.

Maliban sa nakuhang Best Islands, nanalo din ang Pilipinas sa isa pang region-wide category.

Sa ilalim naman ng Best Integrated Resorts, nakuha ng City of Dreams Manila ang pang-walong ranggo at ikasampu ang Okada Manila.

Samantala, pinipili ang mga mananalo ng team of editors at expert contributors sa buong Asia Pacific ng Travel + Leisure Southeast Asia kasama na ang pulso ng publiko.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog