Tila naging marahas na ang aksyon na ginawa ng China Coast Guard sa Pilipinas sa gitna ng nagpapatuloy na alitan sa West Philippine Sea.
Bukod kasi sa pagharang, pagbangga at pagkaladkad ay binutas
pa ng China Coast Guard ang bangka ng Philippine Navy sa gitna ng rotation and
resupply (RORE) mission sa Ayungin Shoal nitong Hunyo 17.
Dahil dito, nagtamo ng ilang mga sugat sa katawan ang
pitong tauhan ng Philippine Navy kung saan isa sa kanila ay naputulan ng
hinlalaki.
Ayon sa ulat ng GMA News, kinumpiska pa ng Chinese Coast
Guard ang mga dalang armas at cellphones mula sa Philippine Navy.
Dagdag pa dito, sinasabing nagawa pang kunin ng CCG ang
apat na rigid-hulled inflatable boats ng Philippine Navy ngunit kalauna’y
ibinalik din ito matapos ang ilang negosasyon.
Sa kabila nito, kinondena ng Amerika at iba pang bansa
ang agresibong aksyon ng China na naging dahilan para maputulan ng hinlalaki
ang isang miyembro ng Philippine Navy.
0 Comments