LALAKI, SINAKSAK-PATAY NG KAPITBAHAY



Posibleng maharap sa kasong homicide ang suspek sa pananaksak-patay sa kaniyang kapitbahay sa Brgy. Aranas, Balete,pasado alas-10 kagabi.

Ito ang sinabi ni PCPT Donie Magbanua ng Balete MPS, matapos na magpahayag ng interes ang pamilya ng biktima na si Rogen Borres na magsasampa sila ng kaukulang kaso laban sa suspek na si alyas JM.
Nabatid kay Magbanua na nag-ugat ang pananaksak nang umakyat sa bahay ng suspek si Borres na noon ay nasa ilalim ng nakakalasing na inumin at marahil ay dala aniya ng pagkabigla dahil natutulog na si alyas JM kung kaya’t nagawa nitong saksakin ang biktima, na kalauna’y tumulong pa upang madala sa ospital.
Sa panig naman ng pamilya ni Borres, naniniwala ang mga ito na dala lamang ng kalasangin kung bakit naligaw at nagkamali ng pinasukang bahay ang kaniyang kapatid at kumbinsido umano ang mga ito na walang anumang motibo.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng Balete PNP sa motibo ng suspek at kung mayroong dating alitan ang dalawa. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog