COUPLE NA NAG-VIRAL ANG KASAL SA NEGROS ORIENTAL, MULING KINASAL; GASTOS, UMABOT SA P1-M



Halos P1-milyon ang nagastos sa muling pagpapakasal ng viral na couple na sina Janine at Jove kahapon Hunyo 17.

Isinagawa ang “wedding take 2” ng dalawa sa Brookes Place sa Barangay Batinguel, Dumaguete, Negros Oriental.



Kung matatandaan, nag-viral ang kasal na ginanap noong Hunyo 8 kung saan agad na nagsimula ng misa ang pari kahit na hindi pa nakaabot sa altar ang bride sa bayan ng Amlan.



Matapos mag-viral ang post ng bride, maraming mga inidbidwal ang nagpaabot ng kanilang mga mensahe sa couple upang maisagawa ang ikalawang kasal.

Lahat ng kinakailangan sa take 2 na wedding ay sinagot ng mga wedding suppliers at organizers sa Negros upang mabigyan ng memorableng kasal ang naturang couple.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog