Kinumpirma ni Department of Migrant Workers Secretary
Hans Leo Cacdac ang pag-alis ng visa ban sa mga manggagawang Pinoy kabilang na
ang domestic workers.
Ayon kay Cacdac, napagkasunduan ng mga awtoridad ang
isang proposal ng Pilipinas na limitahan ang pag-deploy ng domestic workers sa
mga may karanasan sa trabaho.
Matapos ang murder case ng isang overseas Filipino worker
(OFW) Jullebee Ranara, napagdesisyunan ni Secretary Susan Ople ang pag-limit sa
pag-deploy ng mga domestic workers sa Kuwait para sa mga may karanasan na at
na-banned na first-timers.
Matatandaan noong Mayo 2023 ay sinuspinde ng Kuwait ang
lahat ng mga bagong visa ng mga Philippine passport holders.
0 Comments