2NE1, MAGKAKAROON NGA BA NG COMEBACK?

 


Usap-usapan ngayon ang umano’y pagkakaroon ng comeback ng sikat na South Korean girl group na 2NE1 sa entertainment industry.

Ito’y matapos ang napapabalitang upcoming meeting ng mga miyembro ng grupo kay Yang Hyun-suk ng YG Enterntainment sa mga susunod na araw.

Sa isang ulat, may posibilidad na ang tatalakayin sa nasabing pagpupulong ng 2NE1 at ni Yang Hyun-suk ang pagkakaroon ng reunion ng grupo at ang comeback project.

Ang 2NE1 ay kinabibilangan nina CL Park Bom, Minzy, at ang Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park. Nag-debut ang grupo noong 2009 at na-disband noong November 2016.

Pinasikat ng grupo ang ilang mga kantang iconic tulad ng “Fire”, “I Don’t Care”, at iba pa.

Mula nang ma-disband ang grupo ay tuloy pa rin ang solo performance at activities ng bawat miyembro at nito lang nakaraan buwan ay muli silang nagsama-sama para ipagdiwang ang ika-15th anniversary.

Samantala, umaasa naman ang mga tagahanga at supporters ng 2NE1 na magkaroon silang muli ng comeback.

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog