Patay ang isang katao habang 23 ang sugatan nang kunin ng
isang estudyante ang isang granada sa kasagsagan ng laban ng mga militar at mga
kaaway nito.
Ayon sa junta, biglang sumabog ang “40 mm” na granada nang
hawakan ito ng isang estudyante sa paaralan ng southern city ng Dawei.
Dagdag pa rito, pinaputukan ng mga “insurgents” ang
naturang granada habang nagkakaroon ng sagupaan.
Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye ang junta’s
information team ukol sa estado ng 22 estudyante at isang magulang na nasugatan
mula sa pagsabog.
0 Comments