EID AL-ADHA (Feast of Sacrifice) ay isa sa mga mahahalagang
pista kalendaryo ng mga Muslim.
Ipinagdiriwang ito upang alalahanin ang sakripisyong
ginawa ng propetang si Ibrahim kung saan inialay nito ang kaniyang anak alinsunod
sa utos ng Diyos.
Ngayong taon, nagsimula ang Eid Al-Adha nitong Linggo,
Hunyo 16 ng gabi at magtatapos sa gabi ng Hunyo 20.
Ano nga ba ang Eid Al-Adha?
Nagsimula ang pagdiriwang nito nang magkaroon ng
panaginip si Ibrahim na kaniyang pinaniniwalaang isang mensahe mula kay Allah.
Kung saan, iniutos sa kaniyang isakripisyo ang anak na si
Isma’il bilang isang akto ng pagsunod sa Diyos.
Sinubukan pang tuksuin ng demonyo si Ibrahim na huwag
sundin si Allah at pakawalan ang kaniyang anak. Nang papatayin na ni Ibrahim
ang anak, agad siyang pinigilan ni Allah at sa halip ay binigyan siya ng tupa
upang maging sakripisyo.
Kadalasan sa ibang bansa, ang mga Muslim ay nag-aalay ng
tupa o kambing bilang sakripisyo at ang karne nito’y pantay na ibinabahagi sa
bawat miyembro ng pamilya, mga kaibigan at mga mahihirap.
Karaniwan namang nagsisimula ang pagdiriwang ang Eid
Al-Adha sa pagpunta ng mga Muslim sa Mosque para magdasal suot ang kanilang mga
magagandang kasuotan para magpasalamat Kay Allah sa mga biyayang natanggap.
Maliban dito, oras din ito ng pagsasama ng bawat pamilya
at pagtulong sa mga charity.
Wishing you a joyous Eid Al-Adha filled with love,
laughter, and blessings. Eid Mubarak!
0 Comments