BYAHENG K5 | NEW WASHINGTON – SEA FOODS CAPITAL OF AKLAN

Uploading: 3996185 of 3996185 bytes uploaded.



Itinuturing bilang 3rd class municipality ng probinsya ng Aklan – ang bayan ng New Washington.
Kilala din ang New Washington bilang tahanan ni Cardinal Jaime Sin, dating Arsobispo ng Manila.
Alam niyo ba mga ka-k5 na galing sa pangalan ng isang tao ang bayan ng New Washington?
Taong 1904 ng Enero 15, itinatag ang munisipalidad ng New Washington na ipinangalan sa unang pangulo ng Estados Unidos na si George Washington bilang pagpupugay sa Thomasites, grupo ng mga Amerikanong guro na nagtayo ng bagong pampublikong sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Ngunit bago ito, tinawag pa ang bayan ng New Washington na “Fonda Lagatic” na hango mula sa Lagatik River kung saan umaabot ito hanggang sa ilang mga barangay ng munisipalidad sa habang 9.6 kilometro.
Ang bayan ng New Washington ay nangunguna sa mga pinagkukunan ng yamang-dagat sa probinsya ng Aklan partikular na ang mga talaba.
Maliban sa pagiging seafoods capital ng Aklan, hindi rin ito papahuli pagdating sa tourist attractions. Isa na rito ang dinarayong “Tambak Sea Wall” kung saan tanaw na tanaw ang sunrise at sunset habang nilalasap ang pagkain ng mga sariwang seafoods sa kalapit na mga restaurants.
Pwedeng-pwede itong lugar ng pagsasama-sama ng mga barkada at pamilya na damang-dama ang simoy ng hangin ng dagat.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog