3 PATAY, 10 SUGATAN SA ISANG MASS SHOOTING SA ARKANSAS, USA



Patay ang tatlong katao habang sampu ang sugatan sa nangyaring mass shooting sa isang grocery store sa Arkansas nitong Biyernes.

Ayon sa Arkansas State Police, nangyari ang insidente bandang 11:40 ng umaga sa isang Mad Butcher sa Fordyce, isang maliit na bayan na 70-milya sa timog ng Little Rock.

Sa video, maririnig ang putok ng baril ng isang lalaki na tila nag-aamok sa labas ng isang grocery store kung saan napatay nito ang tatlong katao at walong sibilyan na sugatan habang ang ilan naman ay nasa kritikal na kondisyon.

Kabilang sa mga biktima ang dalawang pulis.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na kinilala kay Travis Eugene Posey, 44-anyos ng New Edinburg, matapos ang ilang sandaling pagpapalitan ng putok sa isang parking lot.

Kaugnay nito, nakatakdang sasampahan ng kasong 3 counts of capital murder ang suspek habang inaalam pa ang motibo nito.

Samantala, nananatiling sarado muna ang Fordyce's Mad Butcher grocery store dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog