Isang totally transformation ang nangyari sa dating Pinoy
Big Brother housemate na si Rian Bacalla o mas kilala noon na si Ryan James
Bacalla.
Ito’y matapos na ibahagi nito ang kaniyang transformation
journey mula sa pagiging gay hanggang sa ito’y maging ganap na babae.
“9 years ago today was the time I went inside the Pinoy
Big Brother ABS-CBN house as a teen housemate,” sabi ni Rian.
Sa post pa nito, isinaad niya na hindi pa matanggap ng
kaniyang pamilya ang totoong pagkatao hanggang sa lumipas ang ilang taon ay
naging isa na siyang ganap na dalaga.
“A lot has changed since then. But one thing is for sure,
I'll forever be your KID SUNSHINE NG CEBU,” dagdag pa ni Rian.
Bagama’t marami man ang nagbago nang sumali si Bacalla sa
Kapamilya reality show, pinatunayan nitong hindi pa rin magbabago ang bansag sa
kaniya bilang “Kid sunshine ng Cebu”.
Samantala, si Bacalla ay kabilang sa mga kandidata ng “Queen
of Cebu City Pride 2024” kung saan ire-repsenta nito ang Barangay Labangon ng
Cebu City.
0 Comments