DATING MISS CHARM PH 2024, SASABAK SA MISS WORLD PHILIPPINES

 



Kabilang sa mga kandidata ng Miss World Philippines si Krishnah Gravidez ng Baguio.

Susubukan ng naturang beauty queen na masungkit ang korona sa Miss World Philippines 2024.

Kamakailan, inanunsyo ni Gravidez sa kaniyang Instagram ang opisyal nitong pag-atras sa international competition bilang kinatawan ng Pilipinas nang tanghalin siyang Miss Charm Philippines 2024.

Nakatakda sanang lilipad ang beauty queen sa Vietnam upang sumabak sa ginanap na international competition nitong Hunyo 2 ngunit umatras ito.

Matapos ang kaniyang anunsyo, ginulat nito ang mga tagahanga nang mapabilang siya sa mga kandidata ng Miss World Philippines 2024.

"PASABOG!!!!!! B," komento ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

 "Yeyyy!! I’m so excited for u!" saad naman ni MUPH 2022 Baguio Ghenesis Latugat.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog