Kinaantigan ng madla ang pag-akyat sa entablado ng nanay
at kapatid ng cum laude graduate na pumanaw na nito lamang buwan ng Mayo.
Hindi na kasi umabot sa araw ng graduation ang 23-anyos
na cum laude student na si Michael “Kiki” Alcoseba nang ito’y
sumakabilang-buhay noong Mayo 11, 2024 mahigit dalawang linggo bago ang araw ng
kanilang pagtatapos nitong Mayo 28.
Sa ganoong eksena ay napuno ng emosyon ang buong
seremonya nang personal na tinanggap ng ina at kapatid ni Alcoseba ang kaniyang
diploma at parangal ng pagiging cum laude.
Nagtapos si Alcoseba sa kursong Bachelor of Science in
Tourism Management sa Lapu Lapu City College sa Lapu Lapu City, Cebu.
Sa isang ulat, namatay sa sakit na pneumonia si Alcoseba.
“The saddest but the proudest,” saad naman ng kapatid ni
Alcoseba na si Juliet Hiyas sa isang Facebook post.
Nabatid na si Alcoseba raw ay isa ring dancer at miyembro
ng Lapu-Lapu City Performing Arts.
0 Comments