XIAN LIM, OPISYAL NANG KINUMPIRMA ANG RELASYON NITO SA DATING FILM PRODUCER NA SI IRIS LEE

 


“Yes, I'm seeing Iris”

Ito ang diretsahang sagot ng Filipino actor na si Xian Lim sa kaniyang special feature sa Esquire magazine.

Inilarawan pa ni Lim si Iris Lee bilang talentadong filmmaker at kaniyang creative partner.

Si Iris Lee ay isang producer sa ilalim ng Viva Communications Inc., at nakilala sa kaniyang mga pelikula na “Bird Day” (2016), “Deleter” (2022) at “Hello, Universe!” (2023 kung saan nakatrabaho nito si Lim.

Kaugnay nito, mariing itinanggi naman ng aktor ang mga kumakalat na isyu na ito’y kasal na gayundin ang umano’y ito ay may kinakasama na ng ilang taon.

Matatandaang kinumpirma ni Lim ang paghihiwalay nila ng dating karelasyon na si Kim Chui na tumagal ng 11-taon.

Samantala, naging usap-usapan ang pagde-date nina Lim at Lee noong nakaraang taon matapos itong isiniwalat ng comedian-showbiz reporter Ogie Diaz.  

Naispatan din ang dalawa na magkasama kabilang na pagdalo nila sa motorcycle-riding school at ang location scouting sa Thailand.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog