Ipinakilala na ng Japan sa buong mundo ang kauna-unahang
6G device kung saan 20 beses na mas mabilis ang internet connection sa
kasalukuyang 5G.
Ang naturang proyekto ay naging matagumpay sa
pagtutulungan ng DOCOMO, NTT Corporation, NEC Corporation, at Fujitsu.
Sa pamamagitan ng 6G device, maaari nang makapag-stream
ng limang High Definition (HD) na mga pelikula ng sabay-sabay sa bawat segundo.
May kakayahan din itong mag-alis ng buffering, lags at disconnections
sa buong mundo.
Samantala, ito na ang “ikaanim na henerasyon na mobile
networks para sa cellular technology”.
0 Comments