PIA WURTZBACH, GINAWARAN BILANG GLOBAL FASHION INFLUENCER OF THE YEAR SA DUBAI

Photo Courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram


Nakatanggap ng parangal si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang prestihiyosong awards Dubai, UAE nitong Abril 28.

Iginawad kay Wurtzbach ang pagiging Global Fashion Influencer of the Year Award sa 2024 Emigala Fashion & Beauty Awards, isang star-studded at luxurious ceremony na binigbigyang-pagkilala ang mga nagniningning na personalidad sa industriya.

Ang Emigala Awards “Glitz & Glamour: A Celebration of Fashio and Beauty” ay ginanap sa Festival Bay Arena By Intercontinental, Dubai Festival City.

Nilahukan ito ng mga sikat na personalidad sa industriya ng fashion at entertainment sa mundo ng Arab.

Ito rin ay bilang pagbibigay-pugay sa namayapang musical genius na si Michael Jackson.

Samantala, ipinost din ni Miss Universe 2015 ang ilang mga larawan nito suot ang Carolina Herrera na kalauna’y pinarangalan bilang Womenswear Brand of the Year. Pinaresan niya din ito ng kaniyang mga alahas na Bulgari.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog