VIDEOS NG MGA ESTUDYANTENG SUMASAYAW MATAPOS MATANGGAP ANG DIPLOMA, INALMAHAN NG MGA NETIZENS

 


Umani ng negatibong reaksyon mula sa netizens ang video ng mga senior high students na sumayaw ng mga trending dance moves mula sa TikTok matapos matanggap ang diploma sa araw ng kanilang graduation.

Ang naturang video ng mga estudyante ng Kapalong College of Technology, Inc. ay kumalat na sa iba’t ibang social media kung saan naispatan ang mga estudyanteng ginagawa ang pag-twerk sa sahig.

Ayon sa isang netizen, dapat aniyang isinasagawang pormal ang graduation rites at hindi dinodog-show.

“Moving up or graduating rites shall be conducted in an appropriate solemn ceremony”.

“Por Dios, por santo! Aren’t graduation rites [supposed to] be solemn? Why were these allowed? Who allowed these? Why? WHY?” komento naman ng isa.

Sa kabila nito, nagpaliwanag naman ang nag-upload ng video na nire-require umano silang gawin ang nasabing akto bago tumanggap ng kanilang diplomas.

“REQUIRED PO SA’MIN TO DO AN ACT AFTER GIVING THE DIPLOMA. Cool po ‘yung school namin and nakikisabay”.

Kamakailan lang, naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Kapalong College of Technology na humihingi ito ng paumanhin ukol sa naturang isyu.

Nakasaad dito na agad nilang ginawan ng nararapat na aksyon ang kumalat na video upang matugunan ang usapin at matiyak na hindi na mauulit ang mga ganitong isyu sa hinaharap.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog