Pinabayaan ng Italyanang babae ang anak nitong 16-anyos
sa highway ng Rome dahil sa nakuhang mababang grado sa Latin.
Sa isang ulat, maituturing umano ang naturang akto ng
nanay na isang child abuse.
Natagpuan nalang ng nagpapatrolyang mga pulis ang
dalagita na naglalakad sa gilid ng highway sa Rome kung kaya’t agad nila itong
dinala sa police station.
Nakasaad sa mga reports ng Italian newspapers na nakakuha
ng 9 out of 10 na grado ang 16-anyos na babae sa ibang mga klase nito ngunit pagdating
sa Latin ay nakakuha ito ng 5.
Kwento ng dalagita sa mga pulis na nagkaroon sila ng diskusyon
ng ina dahilan na itinigil ng kaniyang ina ang sasakyan sa gilid ng kalsada at
pinababa siya.
Nabanggit pa sa ulat na pinaghihinalaan ng pulisya ang
aktong pang-aabuso ng 40-anyos na ina sa anak nito dahilan na ipinasa ito sa
juvenile court.
0 Comments