Ibinida ng China ang kanilang machine gun-equipped robot
battle “dogs” sa ginanap na kauna-unahang drills kasama ang pwersa ng Cambodia.
Mahigit 2,000 na mga military troops kasama na ang 760
Chinese military personnel ang lumahok sa naturang drills sa isang remote
training center sa central Kampong Chhnang province at sa dagat sa labas ng Preah
Sihanouk province.
Isinabak ang naturang robot dog na kung tawagin ay “robodogs”
– isang remote-controlled four-legged robot na may automatic rifles na
nakadikit sa likod nito, sa “Golden Dragon” 15-day exercise kasama ang 14 warships
kung saan tatlo rito ay mula sa China, dalawang helicopters, at 69 armored
vehicles at mga tangke. Gayundin, kasama rin ang live-fire, anti-terrorism, at
humanitarian rescue drills.
Ayon kay Cambodian armed forces commander-in-chief Vong
Pisen, nais nilang ma-“enhance the capabilities” ng dalawang grupo ng mga
sundalo para sa laban kontra terorismo.
Samantala, batay naman sa mga eksperto, nagkakaroon ng tapatan
ang mga bansa ng China at Amerika sa robotics pagdating sa pagpapalakas ng kani-kanilang
military forces.
0 Comments